Sunday, July 5, 2026

LTFRB, naglabas ng kautusan para sa PUV Driver at operator na nagba-vlog habang nagmamaneho; lalabag, pagmumultahin ng P5,000

Hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan na huwag mag-vlog o gumawa ng social media content habang nagmamaneho.

Kasabay nito, naglabas na rin umano ang ahensya ng memorandum na nag-uutos sa mga operator na paalalahanan ang kanilang mga driver na sumunod sa nasabing kautusan para maiwasan ang anumang uri ng aksidente.

Kabilang sa ipinagbabawal ay ang pagva-vlog, paggawa ng content, at paggamit ng social media habang nasa biyahe; habnag pagmumultahin naman ng P5,000 ang simunang lalabag sa nasabing memorandum oras na maipatupad na ito.

Layon ng inisyatibo na protektahan ang mga pasahero at iba pang gumagamit ng kalsada, at para maiwasan ng mga driver ang paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.

Facebook Comments