BAGONG PINUNO | Cuba, may bagong halal na presidente

Cuba – Inihalal bilang susunod na Pangulo ng Cuba si Miguel Diaz-Canel.

Papalitan ni Canel si Raul Castro kapag nakumpirma na siya ng Cuban national assembly.

Nag-iisang kandidato lamang sa pagkapangulo si Canel.


Si Diaz-Canel ay itinalagang Bise Presidente ng Cuba council noong 2013 at naging kanang kamay ni Raul Castro.

Facebook Comments