Bagong pinuno ng PCG, binigyan ng arrival honors

Binigyan ng arrival honors ang bagong talagang pinuno ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanyang pagdating sa PCG Headquarters.

Sa kanyang talumpati, hiniling ni bagong Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu ang suporta ng mga opisyal at mga kawani ng PCG para makamit ang mga adhikain at mandato ng PCG.

Aminado si Admiral Abu na maraming hamon ang kinahaharap ngayon ng bansa , kasama na rito ang banta at epekto ng global warming , climate change at ang kaligtasan sa karagatan


Malaking hamon din aniya ang pagpapaigting sa pagbabantay at pagpapatupad ng batas , gayundin ang paglaban sa pamimirata ,terorismo at ang boarder control.

Facebook Comments