Thursday, May 28, 2026

Bagong Taxpayer Portal, makakatulong para sa mas simpleng transaksyon sa pagbabayad ng buwis—DOF

Asahan na ang mas mabilis, mas maayos at mas simpleng transaksyon kaugnay sa pagbabayad ng buwis.

Ito ang ipinagmalaki ng Department of Finance (DOF) matapos ilunsad ang bagong Taxpayer Portal para sa mga taxpayer na sakop ng Large Taxpayers Service o LTS katuwang ang Bureau of Internal Revenue.

Ayon sa BIR, bahagi ito ng modernization at digital transformation efforts ng ahensiya kung saan sa pamamagitan ng portal ay pwede nang makita ng mga taxpayer sa iisang online platform ang kanilang tax records, filed tax returns, tax payments, account ledgers, at system-generated reminders.

Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, makakatulong ang sistema na maiwasan ang pabalik-balik na proseso at paggamit ng magkakahiwalay na platform sa pag-asikaso ng tax obligations.

Samantala, sinabi naman ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Charlito Mendoza na bahagi ang Taxpayer Portal ng mas malawak na digital reform program ng ahensya para mapaganda pa ang taxpayer services at voluntary compliance ng publiko.

Facebook Comments