Friday, September 4, 2026

Bilang ng nasawi dahil sa habagat at mga nagdaang bagyo, umakyat na sa 41; 3, nawawala pa —OCD

Umakyat na sa 41 ang bilang ng mga nasawi dahil sa malalakas na pag-ulan dala ng habagat at mga nagdaang bagyo, habang tatlo pa ang nawawala, ayon sa Office of Civil Defense o OCD.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni OCD Director III Vicente Gregorio Tomas na kabilang sa mga lugar na may naiulat na nasawi ang Regions 2, 3, 5, 6, CALABARZON, CAR, NCR, at MIMAROPA.

Tiniyak ni Tomas na magpapatuloy ang search and rescue operations hanggang sa matagpuan ang tatlo pang nawawala.

Samantala, naglunsad na rin ang OCD ng relief caravan para sa mga binahang lugar.

Sampung truck na may dalang pagkain, bigas at inuming tubig ang ipinadala sa Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales at Nueva Ecija.

Mayroon ding 840 land, air at water assets na naka-standby at maaaring agad na i-deploy kung kinakailangan.

Facebook Comments