Friday, September 4, 2026

Civil Service Commission, suportado ang hirit na dagdag sa Personnel Economic Relief Allowance para sa government employees

Tiniyak ng Civil Service Commission (CSC) ang suporta sa mga panukalang itaas ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) para sa mga manggagawa sa gobyerno.

Pahayag ito ni CSC Chairperson Marilyn Barua-Yap sa budget hearing ng House Committee on Approriations bilang tugon sa tanong ni Akbayan Party-list Representative Dadah Kiram Ismula.

Gayunpaman, aminado si Yap na hindi nila ito maaaksyunan dahil hindi nila hawak ang kaban at wala silang kapangyarihan para magdesisyon hinggil sa pondo para sa
benepisyo ng mga nasa pamahalaan.

Sabi ni Yap, mas maari nilang aksyunan ng mabilis ay hirit na non-financial benefits.

Bunsod nito ay nangako si Yap na irerekomenda sa Department of Budget and Management (DBM) na baguhin ang sistema ng kompensasyon para maibigay ang matagal nang hinihiling na umento sa PERA ng government employees.

Facebook Comments