Saturday, September 5, 2026

Timing ng pagpapaaresto kay VP Sara Duterte, ipinagtaka ng isang senador

Kinwestyon ni Senator Christopher “Bong” Go ang timing ng pagpapaaresto ng korte kay Vice President Sara Duterte bunsod ng kinakaharap na kasong grave threats, na may kinalaman sa pagbabanta umano ni VP Sara sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos at ng pamilya nito.

Ayon kay Go, na kilalang malapit sa mga Duterte, naisip niya ang pagpapaaresto sa bise presidente dahil sa ongoing ang impeachment trial ng Senado dito kung saan isa sa impeachment cases ang umano’y pagbabanta ng bise sa buhay ng pangulo.

Ipinunto rin kamakailan lang isinampa ang kasong iyon laban kay VP Sara samantalang nung 2024 pa o halos dalawang taon nang nakakalipas ang sinasabing pagbabanta ng bise.

Nang matanong ang senador kung ito ay panggigipit sa bise presidente, sinabi ni go na nasa korte na ito at may legal team naman ang ikalawang pangulo.

Samantala, nang hingan naman ng reaksyon si Senator Joel Villanueva tungkol sa pagpapaaresto kay VP Duterte, sinabi niyang wala siyang pang-multa na P30,000 kaya wala siyang komento tungkol dito.

Matatandaan naman sa ilalim ng sub judice rule ay pinagbabawalan ang mga senator judges, mga abogado ng prosekusyon at depensa at maging ang nasasakdal na magkomento sa merito ng kaso.

Facebook Comments