Tuesday, September 1, 2026

Social media war nina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Ping Lacson, mas tumitindi

Hindi pa rin nagpapaawat ang social media war sa pagitan nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senator Ping Lacson.

Si Cayetano sa Facebook livestream habang si Lacson naman ay posting sa X account.

Hinamon naman ngayon ni Cayetano si Lacson na maglabas ng ebidensya laban sa kanya, sa DPWH at Taguig kaugnay ng paratang na mga maanumalyang proyekto sa lungsod.

Giit pa ni Cayetano, tigilan ni Lacson ang theatrics at hayaan ang Ombudsman at mga investigative bodies na gawin ang kanilang trabahong magimbestiga sa isyu.

Inakusahan din ng senador si Lacson ng intimidasyon at pagbabanta sa mga testigo at mga ahensya na ginagawan na umano ni Lacson ng annnouncements.

Dagdag pa ni Cayetano, naperfect na si Lacson ang art ng political persecution o pag uusig na kombinasyon ng demolition jobs, with hunts at trial by publicity na itinatago sa tila isang legal prosecution.

Sa naunang akusasyon, iginiit ni Lacson na higit P 3.7 billion na ang nasayang na public funds dahil sa maling paggamit sa mga completed at suspended na DPWH flood control at multi-purpose projects na iniuugnay sa diumano’y ilegal na reklamasyon ng Laguna lake na sakop ng Taguig City.

Facebook Comments