Sunday, October 11, 2026

Davao City, nakatanggap ng mahigit P53-B pondo mula 2022 hanggang 2026 — Malacañang

Mahigit P53 bilyon ang natanggap na pondo ng Davao City at mga barangay nito mula 2022 hanggang 2026.

Ito ang inihayag ng Palasyo kasunod ng pahayag ni Cong. Paolo Duterte na “zero budget” ang Davao City sa loob ng apat na taon.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, P52.8 bilyon ang galing sa National Tax Allotment o NTA.

Sa halagang ito, P41.63 bilyon ang napunta sa city government at P11.17 bilyon sa mga barangay.

May dagdag pang P314.48 milyon mula sa iba’t ibang pondo ng national government.

Dahil dito, umabot sa P53.11 bilyon ang kabuuang pondong nakatalang natanggap ng Davao City at mga barangay nito sa loob ng limang taon.

Hindi pa kasama rito ang mga pondong direktang ginastos ng national government agencies para sa mga proyekto sa lungsod, gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department Of Public Works And Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), at Department of Agriculture (DA).

Facebook Comments