Bangkay ng Dating Rebelde na Napatay sa Bakbakan noong 2021, Nahukay ng Sundalo at PNP

15
Cauayan City, Isabela-Nahukay ng tropa ng 77th Infantry Battalion at PNP ang isang bangkay ng miyembro ng makakaliwang grupo sa Sitio Aboli, Barangay Aridowen, Sta. Teresita, Cagayan noong Linggo, May 1, 2022.

Kinilala ang bangkay na si Michael Edillo alias Mareg,23-anyos, at residente ng Barangay Bunugan, Baggao, Cagayan.

Si alyas “Mareg” ay medical & Pambansang Demokratikong Paaralan (PADEPA) Instructor ng East Front Committee of Henry Abraham Command, Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Pinaniniwalaang inilibing ito ng kanyang mga kasamahan sa lugar kung saan ito nahukay matapos mapatay sa isang engkwentro sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo sa Barangay Dungeg, Sta. Teresita, Cagayan noong September 22,2021.

Ayon kay LtC. Magtangol Panopio, Battalion Commander ng 77IB, ipinagbigay alam umano ni Lawin at Lee, kapwa dating miyembro ng grupo kung nasaan ang kinaroroonan ng katawan ni alyas “Mareg” kung saan inilibing na lamang ito sa bulubunduking bahagi ng Sta. Teresita.

Labis naman ang pasasalamat nito sa kooperasyon ng dating mga rebelde at nabigyan ng magandang burol at makapagluksa ng payapa ang pamilya nito.



Hinimok naman ang mga natitira pang NPA na magbalik loob sa pamahalaan upang magkaroon ng payapa at progresibong buhay kasama ang kanilang pamilya at hindi ang magkaroon ng maling ideolohiya sa pakikipaglaban sa gobyerno.

Facebook Comments