PRRD, hinikayat ang publiko na magpa-booster na bago sumabak sa halalan sa Lunes

104
Photo Courtesy: PTV

Anim na araw bago ang May 9, 2022 elections, muling hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang publiko na magpabakuna na o magpa-booster shot na.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na malaking pagtitipon ang kakaharapin ng lahat sa Lunes kaya’t napakahalaga na protektado ang bawat isa.

Aniya, walang puwang ang pagpapabaya lalo pa’t nananatili ang banta ng COVID-19 maging ang mga sub variants nito.


Ayon pa sa Pangulo, sapat ang suplay ng mga bakuna kung kaya’t pwede pang humabol ngayon o bago ang eleksyon sa Lunes para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Pinayuhan din nito ang publiko na panatilihin ang pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments