Bansang China, handang tumulong sa mga Pilipinong nasalanta ng Bagyong Egay

Handa at bukas ang bansang China na tumulong sa Pilipinas kung kinakailangan, kasunod ng pananalanta ng Bagyong Egay.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, umaasa siya na makahanap ang mga apektadong Pilipino ng matutuluyan lalo na sa mga nasalanta at mga nawalan ng mahal sa buhay.

Una nang sinabi ng Chinese Ambassador na huwag mawalan ng pag-asa ang mga Pinoy dahil pagsubok lamang ito at hangad na makabangon muli.


Tutulong umano ang kanilang bansa sa anumang paraan dahil na rin sa tatag ng samahan ng Pilipinas at ng kanilang bansa.

Matatandaan na marami sa ating mga kababayan ang naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Hilagang Luzon at iba pang rehiyon sa Pilipinas, umakyat rin ang bilang ng nasawi dahil sa iba pang trahedya na dulot ni Bagyong Egay.

Facebook Comments