Mega Job Fair ng PESO Manila katuwang ang DZXL Radyo Trabaho, isasagawa ngayong araw

This slideshow requires JavaScript.

All set na ang ikakasang Mega Job Fair ng Public Employment Service Office (PESO) Manila katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho.

Isasagawa ito sa Dapitan Sports Complex sa Instruccion Street, Sampaloc, Manila.


Magsisimula ito ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Bukod sa DZXL 558 Radyo Trabaho, makakatuwang din ng PESO Manila ang Department of Labor and Employment (DOLE) at DOLE NCR Manila Field Office.

Nasa higit 1,000 bakanteng trabaho ang iniaalok sa nasabing mega job fair mula sa higit 50 kumpaniya at partner agencies.

Bukas ito para sa mga high school graduates, college level, college at tech o vocational graduates.

Payo naman ng PESO Manila sa mga aplikante na magsuot ng casual attire, magdala ng sampung (10) kopya ng resume, magdala ng sariling ballpen at sumunod sa mga pinaiiral na pu1blic health protocols.

Facebook Comments