Thursday, June 11, 2026

Ateneo head coach Tab Baldwin, Ipina-subpoena na ng DOLE para alamin kung may valid alien employment permit

Ipinasubpoena na ng Department of Labor and Employment (DOLE) si Ateneo de Manila University (ADMU) Basketball Coach Tab Baldwin.

Ito ang kinumpirma ni Labor Secretary Francis Tolentino sa gitna ng isyu ng pagkasawi ng dalawang basketball player ng Ateneo sa kalagitnaan ng training sa Dipaculao, Aurora.

Ayon kay Tolentino, ito ay para alamin kung may valid na alien employment permit si Baldwin sa ilalim ng labor code.

Layon din nitong suriin kung saklaw ng alien employment permit ang pagsasagawa ng mga team building activities.

Maaari namang kanselahin ang alien employment permit ni Baldwin sakaling hindi ito sumipot at i-re-refer din sa Bureau of Immigration (BI) sa posibleng deportation nito.

Dagdag pa ng kalihim, inatasan niya ang mga tauhan ng DOLE Region 3 na magtungo sa beach resort sa Dipaculao, Aurora para tingnan kung nakasunod ang management nito sa safety protocols

Facebook Comments