
Nanawagan ang Department of Justice (DOJ) sa Senado na dagdagan ang kanilang confidential funds o ibalik sa proposal na P1.1 billion sa 2027.
Sa budget hearing sa Senado, tinukoy ni DOJ Secretary Frederick Vida na P579.4 million lang ang confidential fund na ipinabibigay sa kanilang tanggapan at mga ahensya sa ilalim nito.
Ayon kay Vida, maraming programa ang maaapektuhan sa binawasang confidential funds kabilang ang Witness Protection Program at Inter-Agency Council against Trafficking.
Maapektuhan din aniya ang kanilang mga aktibidad ukol sa paglaban sa cybercrimes at online sexual abuses sa mga bata.
Sa budget hearing, sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na makatutulong kung madadagdagan ang P20 million nilang confidential fund para madagdagdagan ang 20 lang nilang tauhan sa fugitive search unit.
Habang para kay NBI Director Melvin Matibag, iginiit naman niya na kailangan nila ng P1.1 billion na confidential fund sa 2027 para sa pagresponde sa pagdami ng cybercrime cases na ngayon ay pito hanggang walo na sa bawat sampung reklamo na idinudulog sa ahensya.










