Bar Examination, gagawin na lamang sa loob ng 2 araw

85

Ginawa na lamang ng Korte Suprema na 2 araw ang pagdaraos ng Bar Examination ngayong Enero.

Ito ay mula sa dating 4 na araw o apat na Linggo.

Bunga rito, gagawin ang Bar Exams sa Enero 23 at Enero 25 sa harap ng pangamba ng examinees at ng proctors kaugnay ng banta ng Omicron variant at kaugnay ng naging pinsala ng Bagyong Odette.


Mula rin sa 8 subjects ay ginawa na lamang ito ng Supreme Court sa 4.

Pinapayuhan naman ang Bar Examinees na mag- self-quarantine sa Enero 9.

Nilinaw naman ng Korte Suprema na isinulong pa rin nila ang pagdaraos ng Bar Exams para matugunan ang demand sa bilang ng mga abogado.



Facebook Comments