BARANGAY BOLINGIT, OPISYAL NANG IDEKLARANG DRUG-CLEARED BARANGAY SA SAN CARLOS CITY

Opisyal na ideklarang Drug-Cleared Barangay ng Barangay Bolingit sa San Carlos City matapos ang isinagawang Barangay Drug-Clearing Deliberation sa San Fernando City, La Union.

Matagumpay umano na naipakita ang pagsunod ng barangay sa lahat ng pamantayan at mga rekisito ng drug-clearing program.

Ayon sa mga opisyal, ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng Barangay Government, Philippine National Police, City Health Office, iba’t ibang sektor, at ng mga residente upang mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at malayang komunidad laban sa ilegal na droga.

Nagpahayag naman ng pagbati ang Pamahalaang Lungsod ng San Carlos sa Barangay Bolingit at sa lahat ng naging katuwang sa pagkamit ng naturang pagkilala.

Patuloy rin nitong tiniyak ang suporta sa mga programang naglalayong palakasin ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat barangay.

Samantala, tulungan pa rin ang mga kinauukulan at kumunidad sa tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programa laban sa ilegal na droga, posible ang pagkakaroon ng isang mas ligtas at mas maunlad na pamayanan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments