COMMUNITY-BASED DRRM CAMP COORDINATION AND CAMP MANAGEMENT TRAINING, ISINAGAWA SA BRGY. PINMALUDPOD, URDANETA CITY

Isinagawa ngayong araw ang Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Camp Coordination and Camp Management (CCCM) Training para sa mga barangay personnel ng Barangay Pinmaludpod.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga Barangay Health Workers (BHWs) at Community Volunteer Officers (CVOs) upang maging mas epektibong katuwang sa paghahanda, koordinasyon, at pagtugon sa anumang sakuna o kalamidad.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na isinusulong ang isang mas ligtas, mas handa, at mas matatag na komunidad para sa kapakanan ng bawat mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments