Arestado ang isang 31 anyos na lalaki matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Bolinao, Pangasinan noong Hunyo 21.
Nahuli ang suspek, na residente rin ng nasabing bayan habang umano’y nagbebenta ng hinihinalang ilegal na droga sa isang undercover operative na nagpanggap bilang poseur-buyer.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 17.1 gramo at tinatayang Standard Drug Price na P116,280.
Matapos ang operasyon, dinala ang suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon, booking procedures, at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Patuloy namang pinaigting ng mga awtoridad ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








