Pinalalakas ng Department of Health (DOH) at ng City Health Office (CHO) ng Dagupan ang kampanya upang maprotektahan ang mga batang Dagupeño laban sa tigdas at rubella sa pamamagitan ng nalalapit na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) o “Ligtas Tigdas” campaign.
Ang kampanyang ito layon na maprotektahan ang mga batang edad anim hanggang limampu’t siyam na buwan laban sa tigdas at rubella, maiwasan ang pagkalat ng mga sakit, at mabawasan ang panganib ng malulubhang komplikasyon tulad ng pulmonya at impeksyon sa utak.
Tinalakay sa pulong ang mga naging resulta ng MR-SIA 2023, kasalukuyang sitwasyon ng measles-rubella surveillance sa Dagupan, mga alituntunin sa MR-SIA at Vitamin A supplementation para sa 2026, gayundin ang communication plan ng lungsod para sa kampanya kung saan, nakatakda naman isagawa sa lungsod sa buwan ng Agosto.
Hinikayat naman ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak na may edad anim hanggang limampu’t siyam na buwan, anuman ang kanilang dating vaccination status, upang matiyak ang sapat na proteksyon laban sa mga naturang sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











