Barangay Ginebra veteran guard LA Tenorio, kinumpirma ang pakikipaglaban sa sakit na cancer

Ibinunyag ni Barangay Ginebra veteran guard LA Tenorio ang kaniyang kasalukuyang pakikipaglaban sa sakit na cancer.

Ayon kay Tenorio, na-diagnosed siyang may stage three colon cancer ilang linggo pa lamang ang nakakalipas.

Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi siya nakakasama sa ngayon sa kampanya ng Gin Kings sa PBA Governors’ Cup.


Humingi naman ng tawad si LA dahil sa hindi agad pagsasapubliko ng iniindang karamdaman habang tiniyak nitong maglalaro pa rin siya sa liga.

Si Tenorio ay 17 taon nang nasa PBA at siya rin ang may hawak ng pinakamahabang streak ng paglalaro.

Kumpiyansa naman ang 38-year-old Batangueño player na gagaling ang kaniyang cancer.

Facebook Comments