Thursday, September 10, 2026

Makabayan Bloc, iginiit na si PBBM at hindi si Romualdez ang mastermind ng flood control scandal

Iginiit ng Makabayan Bloc na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at hindi si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mastermind ng ng flood control scandal.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, hindi dapat tanggapan ng publiko ang script at kwento na kinausahan na si Romualdez kaya dapat manahimik na ang lahat.

Diin ni Tinio, hindi maaring mag-move on dahil naaresto na si Romualdez habang pinagtatawanan lamang ng mga magnanakaw ang sistema.

Punto ni Tinio, nangyari ang anumalya sa ilalim ng termino ni Marcos na sya ring may direktang basbas, partisipasyon at pakinabang partikular sa pambansang budget

Tinukoy din ni Tinio ang pagturo ni dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo kina dating Executive Secretary (ES) Lucas Bersamin at dating Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Facebook Comments