Wednesday, September 9, 2026

Senado, umaasa na sa Disyembre ay may hatol na sila sa impeachment trial ni VPSD

Umaasa si Senate President Sherwin Gatchalian na makapagbaba na sila ng verdict o hatol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte (VPSD) sa Disyembre.

Ayon kay Gatchalian, dahil sa bagong timetable ng trial ay umaasa siyang mapapabilis ang proseso at pagsapit ng Disyembre ay mayroon na silang verdict sa bise.

Sinabi ni Gatchalian na malaking bagay ang pagbabawas ng prosekusyon ng kanilang mga witnesses matapos na hindi na paharain kahapon ang 15 natitirang mga testigo para sa Article 1 o ang hindi tamang paggamit ni VPSD sa confidential funds.

Depende naman aniya ito sa bilang pa rin ng testigo at mga ebidensya na ipiprisinta naman ng depensa oras na matapos ang presentasyon ng prosekusyon para sa apat na articles of impeachment.

Dagdag pa rito, matapos ang session break ay may dalawang linggo sila na buong araw na magsasagawa ng paglilitis kung saan maski pagdinig sa budget ay hindi nila gagawin.

Inaasahan ni Gatchalian na bibilis talaga ang impeachment trial lalo’t narinig din nya na handa rin ang depensa na magadjust o magbawas din ng mga testigo.

Facebook Comments