Barangay Mini Job Fair ng DZXL 558 Radyo Trabaho, all set na ngayong araw sa Caloocan

All set na ang ikakasang Barangay Mini Job Fair ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa Santa Rita Covered Court, Barangay 188, North Caloocan City.

Magsisimula ang mini job fair ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Nasa 1,088 na bakanteng trabaho ang iniaalok mula sa 9 na agency na ating inimbitahan.


Sa mga interesadong aplikante, magdala lamang ng 10 o higit pang kopya ng resume at sariling ballpen.

Bukod dito may iba pang serbisyo ang isasagawa sa mini job fair ng DZXL 558 Radyo Trabaho tulad ng libreng gupit, libreng hygiene kit at feeding program.

Katuwang ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa isasagawang barangay mini job fair ay ang Public Employment Service Office (PESO) Caloocan at ang lokal na pamahalaan ng Caloocan sa pamumuno ni Mayor Along Malapitan.

Nagpapasalamat naman tayo sa Manila Water, Reyes Haircutters, ACS Manufacturing Corporation makers of Shield Bath Soap and Unique Toothpaste at kay Brgy. 188 Chairwoman Maria Elisa Chan kasama ang mga opisyal at residente nito.

Facebook Comments