Republic of Korea, nagsimula ng tumanggap ng mga aplikasyon para sa e-group visa

Nagsimula nang tumanggap ang Republic of Korea kahapon, Hunyo 27 ng mga aplikasyon para sa e-group visa ng mga nagnanais maging turista sa kanilang bansa.

Ito ang inanunsyo ng Korean Ministry of Justice sa pamamagitan ng inilabas nilang abiso sa official Facebook page ng Korean Embassy.

Ayon sa Embahada, maaaring ipadala ang aplikasyon para sa e-group visa sa pamamagitan ng mga kinikilalang travel agency ng Korean Embassy para sa pinaplanong pagbisita.


Hindi bababa sa 3 miyembro mula sa company initiative group, educational tour group na mas mababa sa college level at regular na tour group na papayagang bumiyahe ng magkakasama, anuman ang kanilang transport choices at parehas na iskedyul.

Magagawa ang aplikasyon sa pamamagitan ng 9 na itinalagang travel agency na makikita sa Korean Visa Portal.

Makikita naman ang 9 na accredited travel agency ng Korean Embassy sa kanilang official Facebook page na “Embassy of the Republic of Korea in the Philippines.”

Facebook Comments