Barangay sa Cot.City Drug Cleared na.

Nagagalak si Tamontaka 4 barangay chairman Damugkao Mangelen makaraang ideklara ng PDEA-ARMM na Drug Cleared na ang kanyang barangay,na kauna-unahang barangay sa cot.city na drug cleared.
Mismong si Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi ang nag-abot ng certification kay Kap.Mangelen matapos na dumaan sa serye ng evaluation at test ng team mula sa DILG, City LGU,PNP at PDEA.
Sinabi ni kap.Mangelen na nagtulungan ang kanyang kasama sa barangay at constituent para labanan ang problema ng droga kung kayat nasungkit nila ang kauna-unahang barangay na drug cleared sa lungsod.
Samantala umaasa naman si mayor Cynthia na susunod narin ang ibang barangay sa cot.city na madeklarang drug cleared.

Facebook Comments