Batang Babae patay matapos malunod sa isang water falls

iFM News Laoag – Patay ang siyam na taong gulang na batang babe matapos malunod sa Bayan ng Dingras sa Lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayun sa kwento ng mga nakakita sa pangyayari, nagkaroon ng pagsasalo ang grupo ng Parent Teachers’ Association o PTA sa Pikkan Falls – isang man-made falls sa nasabing bayan.Naliligo umano ang mga bata sa nasabing falls habang nasa cottage naman ang kanilang magulang.

Masaya pa umanong naglalaro ang mga bata sa gilid ng falls ngunit isa sa mga ito ay ang batang babae na pumagitna patungo sa malalim na parte ng falls. Nalunod ito bigla at hindi marunong lumangoy.

Humingi ng saklolo ang mga bata sa kanilang magulang at hindi ito agad na-revive, itinakbo sa ospital ngunit patay na ito. ### Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments