
Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng regional directors at heads ng mga opisina at unit ng pulisya na magsumite ng updated inventory ng mga sasakyang narekober sa mga isinagawang operasyon.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang kautusan na ito ng PNP ay kasunod ng mga ulat na ginagamit umanong pangpersonal ng ilang mga pulis ang mga sasakyang narekober sa mga isinagawa nilang operasyon.
Binigyan ng PNP ng palugit na hanggang November 2 ang Regional directors at heads ng police units para makapagpasa ng imbentaryo ng mga sasakyang nasa kanilang kustodiya.
Tiniyak naman ng PNP na iimbestigahan nila ang mga iniulat na iregularidad at pananagutin ang mga pulis na responsable sa hindi otorisadong paggamit ng mga sasakyang nasa kanilang kustodiya.
Ayon pa kay Nartatez , sakali mang mapatunayang sangkot ang mga pulis sa gawain na ito ay maaari silang maharap sa administratibo at kriminal na kaso .










