KAPULISAN SA PANGASINAN, NAG-INSPEKSIYON SA MGA SEMENTERYO AT TERMINAL SA KASAGSAGAN NG UNDAS 2026

Nagsagawa ng inspeksiyon ang Pangasinan Police Provincial Office sa ilang sementeryo at terminal sa lalawigan bilang bahagi ng pagtatalaga ng mga pulis para sa Undas 2026.

Kabilang sa mga sinuri ang Bolinao Public Cemetery, Alaminos Public Cemetery, Namagbagan Cemetery sa Anda at Sual Public Cemetery.

Personal ding sinuri ni PCOL Dennis L. De Leon, Officer-in-Charge at Provincial Director ng Pangasinan PPO, ang bus at jeepney terminal sa Lingayen, kung saan inaasahang maraming pasahero ang bibiyahe ngayong Undas.

Bago ang deployment, nagsagawa ng send-off ceremony para sa mga pulis noong Oktubre 31 sa Camp Gov. Antonio U. Sison sa Lingayen.

Itinalaga ang mga ito sa mga sementeryo, memorial park, simbahan, terminal at iba pang lugar upang magbantay sa seguridad, daloy ng trapiko at pangangailangan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments