BATANG PANGASINENSE, WAGI SA 2022 BATANG PINOY NATIONAL CHAMPIONSHIP

Nagkamit ng gintong medalya ang batang Pangasinense sa 50 Meter Breastroke (Under 12-year-old Category) sa kasalukuyang isinasagawang Batang Pinoy National Championship, mula ika-17 hanggang 21 ng Disyembre 2022.
Humigit-kumulang 6,000 kalahok mula sa 138 local government units (LGUs) ang nakatakdang lumaban sa siyam na face-to-face sports archery, athletics, badminton, chess, cycling, table tennis, swimming, weightlifting, at obstacle course (demonstration).
Samantala, mainit na pagbati naman ang inihatid ng mga Batang Pangasinense sa pagkamit ng nasabing medalya at pagbibigay karangalan sa probinsya.
Facebook Comments