Batas para gawing regular campus ang PUP Parañaque, nilagdaan na ni PBBM

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act No. 11979 na layong gawing regular na campus ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Parañaque City.

Sa ilalim ng batas na ito, tatawaging PUP-Parañaque City Campus ang nasabing pamantasan.

Makapagsasagawa na rin ng research at extension services at production activities bilang suporta sa socio economic development.


Bukod dito, maaari nang magbigay ang unibersidad ng short-term, technical vocational, undergraduate, at graduate courses.

Nilagdaan ng pangulo ang nasabing batas noong February 15 at magkakabisa 15 araw pagkatapos ng publication sa Official Gazette.

Facebook Comments