
Aminado ang Department of Migrant Workers (DMW) na hanggang $200 lamang ang kaya nilang ibigay sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Middle East.
Ayon kay Migrante Workers Sec. Hans Leo Cacdac, nagkaroon sila ng adjustment sa paggastos ng pondo dahil malawak ang apektado ng giyera sa Gitnang Silangan at mas maraming OFWS ang kailangang bigyan ng ayuda.
Kinumpirma naman ni Cacdac na may 2,000 pang aplikasyon para sa repatriation ng OFWs ang kanilang pino-proseso ngayon.
Una nang napaulat na maraming OFWs na apektado ng giyera sa Middle East ang umatras sa repatriation dahil $200 lamang ang ayudang binibigay ng pamahalaan na dapat anila ay P100,000.
Facebook Comments










