BATAS PARA IWAS OVERLOADING, PAIIGTINGIN PA NG PLGU NUEVA VIZCAYA

CAUAYAN CITY – Paiigtingin pa ng Provincial Local Government Unit (PLGU) of Nueva Vizcaya ang kanilang kampanya laban sa mga overloading vehicles na dumadaan sa Maharlika Highway mula Diadi hanggang Sta. Fe.

Kamakailan din ay nagsagawa ng diyalogo ang Regional Development Council’s Infrastructure Development Committee sa pangunguna ni Governor Jose Gambito sa mga trucker’s group sa buong Lambak ng Cagayan upang hingin ang kanipang kooperasyon sa pagpapatupad ng Anti-Overloading Law.

Nagpakita naman ng pagsuporta sa naturang batas si former Cagayan 3rd District Congressman Randy Ting at si Land Transportation Office Regional Director Francis Ray Almora, maging ang kapulisan na naatasan upang ipatupad sa lugar ang nabanggit na batas.


Nakipagkasundo rin ang PLGU sa Regional Development Council in Cagayan Valley para sa co-management ng Weigh Bridge facility ng DPWH.

Samantala, sa datos na inilabas ng DPWH, mula buwan ng Oktubre hanggang Disyembre noong nakaraang taon, 1,693 vehicles ang kanilang sinuri at 1,185 sa mga ito ang overloaded.

Facebook Comments