
Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na isinugod sa ospital si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Apollo Quiboloy.
Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Supt Jayrex Bustinera, alas-5 ng hapon noong January 18 nang dinala sa Rizal Medical Center (RMC) si Quiboloy dahil sa paninikip ng dibdib.
Ayon sa medical bulletin ng RMC, nagkaroon ng community-acquired pneumonia si Quiboloy.
Dahil sa kakulangan ng kagamitan ng RMC, inirekomenda nila na ilipat sa isang pribadong hospital si Quiboloy.
Naipabatid na ng BJMP sa korte at sa pamilya ni Quiboloy ang sitwasyon ng pastor.
Bantay sarado na ng mga tauhan ng BJMP ang di binanggit na pangalan ng ospital sa kadahilanang panseguridad.
Facebook Comments