Dinagsa ng mga naki-Undas ang Roman Catholic Cemetery sa bayan ng Calasiao, Pangasinan noong Nobyembre uno, kasabay ng paggunita ng Undas 2026.
Dakong alas-tres ng hapon, marami pa ring tao ang naglalakad patungo sa sementeryo matapos pansamantalang isara sa mga sasakyan ang bahagi ng Calasiao-Dagupan Road na nasa tapat nito.
Nakatulong naman sa mga bumisita ang libreng sakay na inilaan ng lokal na pamahalaan upang mapadali ang kanilang pagpunta sa sementeryo.
Dahil sa dami ng tao, bahagyang sumikip ang mga dinaraanan sa loob nito.
Samantala, nagtalaga ng mga pulis at iba pang responder sa paligid ng sementeryo upang tiyakin ang seguridad at maayos na daloy ng mga bisita.
Naglatag din ang lokal na pamahalaan, sa pakikipagtulungan sa Municipal Health Office at Bureau of Fire Protection, ng mga First Aid at Public Assistance Station bilang bahagi ng Oplan Undas 2026.
Ayon sa pulisiya, naging mapayapa at maayos ang paggunita ng Undas sa bayan ng Calasiao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










