Muling binuksan sa publiko ngayong Nobyembre 4 ang Interactive Fountain sa Capitol Complex sa Lingayen, Pangasinan matapos makumpleto ang isinagawang electrical maintenance.
Matatandaang pansamantala itong inilagay sa out-of-service status dahil sa maintenance upang matiyak ang maayos at ligtas na operasyon ng pasilidad.
Opisyal itong binuksan sa publiko noong Mayo 2026 at naging atraksyon sa mga residenteng bumibisita sa Capitol grounds, partikular tuwing gabi dahil sa makukulay na ilaw, musika at water display.
Sa muling pagbubukas nito, maaari nang bumalik ang publiko upang masaksihan ang water display at mga ilaw ng fountain sa gabi. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








