BATTERY MANUFACTURING FACILITY, ITATAYO SA BAYAMBANG

35
Itatayo ang isang battery manufacturing facility sa bayan ng Bayambang.
Ito’y matapos pirmahan ang Memorandum of Agreement kasama ang Gr8 Seas Holdings Inc. — isang USA-based technology company, at SAHI Technologies, Inc. na magdadala sa bayan ng Bayambang ng isang manufacturing facility ng EV Charging Stations, Lithium Ferro Phosphate Batteries, at Battery Energy Storage Systems.
Tinatayang nasa $40-million ang investment na ito ng kumpanya para sa probinsya na magdadala ng daan-daang trabaho para sa mga Bayambangueño at Pangasinense.

Kasama sa pag-pirma si outgoing Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at si Mr. Jorge Yulo mula sa 1Document Corporation. Naroon din si Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, at ang mga Konsehal ng bayan.
Isinagawa ang MOA Signing Ceremony sa inagurasyon ni Governor Ramon Mon Mon Guico III | ifmnews
Facebook Comments