KATAWAN NG ISA SA NAWAWALANG SAKAY NG SASAKYANG NAHULOG SA BUMIGAY NA BAHAGI NG AGANA BRIDGE SA TARLAC, KINUMPIRMANG SA BAYBAYIN NG LINGAYEN NATAGPUAN; ISA PANG KATAWAN, NATAGPUAN SA BAYAMBANG

Kinumpirma ni PCpt Romnick B. Bornawi, OIC ng Dagupan City Police Office (DCPO) Police Station 5 na sa baybayin ng Lingayen natagpuan ang katawan ng isa sa mga nawawala sa nahulog na sasakyan sa pagguho ng bahagi ng Agana Bridge, Tarlac at hindi sa Barangay Island ng Carael, Dagupan City.

‎Ayon sa kanilang imbestigasyon, lumalabas na natagpuan ang katawan ng biktima ng isang fishing boat habang binabaybay ang karagatang sakop ng Lingayen na pauwi na sana upang dumaong sa Pantal, Dagupan City bandang 10:00am ng August 31, 2026.


‎Nagkataon lamang umano na ang himpilan ng DCPO Police Station 5 na nakabase sa Barangay Carael ang unang rumesponde at nangalap ng imbestigasyon matapos maireport ang pagkakatagpo sa katawan ng biktima.


‎Bandang 12:40am ng September 1, 2026, agad naman ipinaalam at itinurn-over sa pamilya ang pagkakatagpo sa katawan ng isa sa mga nawawalang biktima at kinumpirma ang pagkakakilanlan nito.


‎Samantala, sa isa pang ulat, natagpuan na rin ang isa pang katawan ng isa sa biktima sa bahagi ng Barangay San Vicente, Bayambang, Pangasinan, bandang 4:00pm, ng September 1, 2026.

‎Dalawa ang hindi pa natatagpuan at patuloy na pinaghahanap sa search, rescue and retrieval operations ng awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments