Isinagawa ang Wreath-Laying Ceremony sa Plaza Enrique Braganza, Barangay Poblacion, Alaminos City bilang bahagi ng paggunita sa National Heroes Day ngayong August 31, 2026.
Lumahok sa seremonya ang Alaminos City Police Station, kasama ang mga kinatawan ng Local Government Unit (LGU) of Alaminos, Bureau of Fire Protection (BFP), 1st Pangasinan Mobile Force Company (1st PMFC), PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard (PCG), Public Order and Safety Office (POSO), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iba pang katuwang na ahensya.
Bahagi ng seremonya ang pag-aalay ng wreath bilang pagkilala sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kalayaan, kapayapaan, at kinabukasan ng bansa.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng taunang paggunita sa National Heroes Day, na nagbibigay-diin sa pag-alala sa sakripisyo at paglilingkod ng mga bayani sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











