SANGGOL, ISINILANG SA LOOB NG PATROL CAR SA GITNA NG BAHA SA MANGATAREM

Sa gitna ng patuloy na rescue operations dahil sa epekto ng habagat, matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng Mangatarem Police Station ang isang babaeng nagle-labor at natulungan itong maisilang ang kaniyang sanggol sa loob mismo ng patrol vehicle noong August 31, 2026.

‎Ayon sa paunang ulat, rumesponde ang mga pulis sa Barangay Dorongan Sawat, Mangatarem, isang lugar na matinding naapektuhan ng pagbaha, matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa isang babaeng nanganganak na.

‎Agad isinakay ng mga pulis ang babae kasama ang kaniyang pamilya at isinugod patungo sa Mangatarem District Hospital.


‎Habang nasa biyahe, pumutok ang panubigan ng babae na senyales ng aktibong panganganak.

‎Agad siyang tinulungan nina Police Staff Sergeant Limuel Sabado, PCpl Johndel Almendrala at RHU Midwife na si Rowena Unay hanggang sa ligtas na maisilang ang kaniyang sanggol sa loob ng patrol vehicle.

‎Pagdating sa ospital, agad na itinurn-over sa mga medical professional ang mag-ina para sa kaukulang pangangalaga at pagmonitor sa kanilang kondisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments