HIGIT 300 KATAO, NAKINABANG SA LIBRENG DRIVING COURSE NG LTO DAGUPAN AT ROSALES

‎Kabuuang 315 indibidwal ang naitalang nagtapos sa libreng Theoretical Driving Course (TDC) na isinagawa ng Land Transportation Offices (LTO) ng Dagupan at Rosales sa magkaibang araw.

‎Ayon sa ulat, umabot sa 137 kalahok ang nakatapos sa dalawang araw na libreng TDC na pinangunahan ng LTO Dagupan District Office sa San Jacinto.

‎Batay sa datos, 83 umano na kalalakihan at 54 na kababaihan ang nakatanggap ng kanilang TDC Certificates matapos makumpleto ang kurso.

‎Samantala, mas mataas naman ang naitalang bilang ng mga nagtapos sa ilalim ng LTO Rosales District Office, kung saan 178 kalahok ang nakakumpleto sa programa kabilang ang 114 kalalakihan at 64 kababaihan.

‎Tinuruan ang mga kalahok ng kaalaman sa road safety, batas trapiko, at responsableng pagmamaneho.

‎Ayon sa LTO, ang pagsasagawa ng libreng TDC ay para palawakin ang access ng publiko sa mga serbisyong panggobyerno, lalo na sa batas trapiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments