Tuesday, June 16, 2026

Malaking debris na may foreign markings, nakuha ng PCG sa karagatan ng Batangas

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na isang malaking debris ang natagpuan sa baybayin ng Lian, Batangas.

Ayon sa PCG, hindi pa tukoy kung ano ito na may sulat na foreign markings at nadiskubre sa Sitio Talim, Barangay Luyahan sa naturang bayaan.

Nakatanggap ng ulat ang Coast Guard mula sa isang residente kung saan nakita ang debris na may 20 talampakan na haba at mahigit 10.5 feet na lapad na gawa sa aluminum.

Lumabas na nakasulat ang “Antenna Transmission Window 5” sa markings pero hindi pa ngayon tukoy kung ano ito at kung saan nagmula.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PCG ang debris para sa karagdagang pagsusuri habang patuloy din ang koordinasyon sa mga kaukulang awtoridad.

Facebook Comments