Bea Alonzo, engaged na kay Dominic Roque matapos ang sweet na proposal

Courtesy: Bea Alonzo | Facebook

Nagkatotoo na ang usap-usapan tungkol sa engagement ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominique Roque!

Sa social media post ni Bea, tampok ang black and white photos kung saan makikita ang nag-uumapaw na emosyon ng aktres nang mag-propose na ang aktor.

Itinaon pa ni Dominique ang espesyal na tagpo habang papalubog na ang araw sa Las Casas kung saan sila nagtungo para sa isang shoot.


Kwento ni Bea, pinipilit pa umano siyang patalikurin ng photographer na si Mark Nicdao dahil gusto raw nitong makuhanan ang back side ng kanyang dress.

At nang lumingon ulit siya ay tumambad ang nakaluhod na si Dominique habang hawak ang isang maliit na box na naglalaman ng singsing.

Dagdag pa ng aktres, sa lahat ng proposal scenes na nagawa niya sa kanyang career ay wala raw talagang makakatalo sa totoong proposal.

Congrats Bea and Dominique!

Facebook Comments