CONSTRUCTION WORKER, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA DAGUPAN CITY

Kalaboso ang isang kwarenta anyos na construction worker matapos ang ikinasang Buy Bust Operation sa Dagupan City.
Ang suspek ay nakilalang si Alfredo Limpin residente ng Brgy. Pantal sa nasabing Lungsod.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa suspek mag aalas nuebe ng Gabi sa may Malimgas Public Market na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng isang gramo at nagkakahalaga ng halos pitong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments