Thursday, June 18, 2026

NATIONWIDE EARTHQUAKE DRILL, PINAGHAHANDAAN NA SA SAN FABIAN

Nagsagawa ng orientation at planning meeting ang Lokal na Pamahalaan ng San Fabian noong Hunyo 16 para paghandaan ang 2026 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gaganapin sa Hunyo 18, alas-9 ng umaga sa San Fabian Integrated School SPED Center sa Barangay Inmalog Sur.

Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at iba’t ibang ahensya ang pagpaplano ng mga detalye ng drill at koordinasyon ng mga kalahok at responders.

Paalala ng lokal na pamahalaan sa mga residente na huwag mabahala sa pagdeploy ng mga emergency response vehicle at iba pang aktibidad sa araw ng drill dahil bahagi lamang ito ng simulation exercise.

Layunin ng programa na masubok at mapalakas ang kahandaan ng komunidad, mga mag-aaral, at mga ahensya sa pagtugon sa lindol at iba pang sakuna.
| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments