BABAENG WANTED SA KASO NG FALSIFICATION AT ILLEGAL USE OF UNIFORMS, ARESTADO

Isang 44-anyos na babae na may nakabinbing mga kaso ang inaresto ng mga tauhan ng Malasiqui Police Station sa Brgy. Baybay Norte, Basista, Pangasinan noong Hunyo 17, 2026, bandang alas-7:41 ng gabi.

Kinilala ang naaresto bilang isang may-asawa, college graduate, walang trabaho, at residente ng Malasiqui, Pangasinan. Siya ay dinakip sa bisa ng Bench Warrant of Arrest na inilabas ng hukuman.

Nahaharap ang akusado sa kasong Falsification of Public Document sa ilalim ng Article 172, Paragraph 1 kaugnay ng Article 171, Paragraph 1 ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Section 26 ng Republic Act No. 10951, sa ilalim ng Criminal Case No. 14538. May inirekomendang piyansa itong ₱72,000.

May isa rin siyang kaso na Illegal Use of Uniforms or Insignia sa ilalim ng Article 179 ng Revised Penal Code, na nakarehistro bilang Criminal Case No. 14547, na may inirekomendang piyansang ₱72,000.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Malasiqui Police Station ang naarestong babae para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments