
Matumal pa ang bentahan ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market ilang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Karamihan sa mga bulaklak na ibinebenta rito ay mula sa ibang bansa habang ang ilan bulaklak ay nagmula pa sa Benguet.
Bahagyang tumaas ang presyo ng bulaklak pero inaasahan na mas lalo pa itong tataas sa mga susunod na araw dahil na rin sa pagdagsa ng mga mamimili.
Ang kada piraso ng rosas at tulip ay nasa P80-100 na kapwa dating P50 noong nakaarang linggo.
Ang stargazer ay nasa P180-200 na dati namang P150 noong nakaarang araw kung saan nananatili sa P100 ang presyo ng kada piraso ng sunflower.
Nasa 1,000 naman ang kada isang bundle ng rosas habang P250 ang bundle ng carnation, at P250 rin ang bawat 10 piraso ng daisy.
Umaabot naman sa P1,200 ang isang bouquet ng rosas habang ang tinatawag na assorted flowers ay pumapalo sa P600-800.00, at ang kada set ng lobo ay nasa P150; P700 ang may kasamang bulaklak, at P300 ang iba na may iba’t ibang design.