Thursday, July 30, 2026

LTFRB, sinimulan na nag pagtalakay sa petisyon para sa dagdag-pasahe

Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdinig kaugnay ng mga petisyon para sa dagdag-pasahe na inihain ng limang malalaking transport group dulot ng nagpapatuloy na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo at sa kanilang operasyon.

Nire-review na umano ng ahensya ang mga petisyon para mapabilis ang pagbuo at pagbabalangkas ng rekomendasyon kaugnay ng hiling na dagdag-pasahe.

Samantala, sinabi naman ni LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II na isasaalang-alang din umano sa magiging pinal na desisyon ang opinyon ng mga transport group, kakayahan ng mga komyuter na magbayad ng dagdag-pasahe sa jeepney, bus, UV express, taxi, at mga motorcycle taxi, maging ang iba pang stakeholder.

Samantala, kabilang naman sa limang grupo na naghain ng petisyon ay ang grupong Piston, Manibela, Metro Comet Transport Service Cooperative, UV Express National Alliance of the Philippines at United Transportation Coalition of the Philippines.

Facebook Comments