Monday, July 27, 2026

Pangkalahatang seguridad sa SONA 2026, kasado na — PNP

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na kasado na ang pangkalahatagng seguridad sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ,ngayong araw.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., kumpleto na ang lahat ng security protocols at nasa proseso na rin sila ng pagdeploy sa kanilang mga tauhan para sa mga lugar na kinakailangan ng kanilang presensya .

Dagdag pa nya, nakahanda na ang mga tauhan nito para tumiyak ng seguridad sa mga magsasagawa ng rally sa buong bansa kung saan humiling din si Nartatez ng kooperasyon sa lahat ng mga makikilahok sa mga rally.

Sa ngayon ay wala namang namomonitor na seryosong banta ang PNP kaugnay ng SONA ngunit tiniyak na mananatili silang mapagmatyag laban sa mga maguudyok ng kaguluhan.

Bilang bahagi ng panghuling paghahanda sa seguridad, nagsagawa na ang PNP ng inspeksyon sa Batasang Pambansa at sa mga karatig na lugar nito pati na sa mga lugar na inaasahang magkakaroon ng mga kilos-protesta.

Facebook Comments