BENTE ANYOS NA LALAKI ARESTADO, SA ENTRAPMENT OPERATIONS SA SAN CARLOS CITY

Bente anyos na lalaki arestado sa Entrapment Operations sa San Carlos City matapos umanong piliting makipag talik ang isang kinse anyos na dalagita.
Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang bente anyos na lalaki matapos itong mahulog sa Entrapment Operations ng mga otoridad sa San Carlos City.
Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagkasundo ang suspek at ang biktima nito na magkita sa isang inn sa San Carlos City at pinipilit itong makipag talik.

Dito na humingi ng tulong ang kinse anyos na dalagita at agad na ikinasa ang Entrapment Operations laban sa suspek.
Sa ngayon ay inihahanda na ang mga kasong paglabag sa RA 9995, paglabag sa RA 7610 at Grave Coercion. |ifmnews
Facebook Comments